DAVAO CITY, Philippines, 11 AUGUST 2026 — Magbabalik-Davao City ang sikat na vlogger at digital content creator na si Zeinab Harake Parks para sa Kadayawan Festival 2026 kasama ang Casino Plus, isa sa mga nangungunang responsible digital entertainment and gaming platforms sa bansa na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Alinsunod sa layunin na maghatid ng saya sa publiko, dala ng Casino Plus ang isang festival showcase sa Davao na siksik at umaapaw sa live performances, masasayang activities, games, at prizes sa Davao Whisky Park mula August 14 hanggang 16.
Tampok sa three-day event ang isang appearance mula sa “Reyna ng Good Vibes” sa Biyernes, August 14, kung saan magkakaroon din ang ilang suwerteng “Zebbies” na ma-meet ang sikat na online personality.
Sa isang social media post, sinabi ni Zeinab na excited na siya sa ikalawang beses na pagbisita niya sa Davao City at hinimok ang kanyang followers na sumama sa Kadayawan celebration.
“Kadayawan na! Marami kaming hinandang prizes at gagawin nating sobrang saya ito. Bonggang-bonggang kakulitan ang dadalhin ko. Excited ako makita at makasama kayo especially this is my second time in Davao kaya ano pang hinihintay n’yo? Arat na sa Kadayawan!” sabi ni Zeinab.
Dadalhin din ni Zeinab hindi lang ang kanyang candid personality at humor, kundi pati na rin ang kanyang signature energy at kakulitan sa Kadayawan celebration.
Kasama din sa jam packed lineup sa Davao Whisky Park ang ilan sa mga kilalang content creators at performers sa bansa, tulad nina “Daddy Blue” at Maritoni Fowler, Baby Giant, Joanna Lara, Lhevin Andal, at Miro Macs.
Ginaganap tuwing Agosto, ang Kadayawan ay isang pagdiriwang ng pasasalamat, kasaganaan, at mayamang pamana ng lungsod na nagbubuklod sa komunidad sa pamamagitan ng mga tradisyon, pagtatanghal, makukulay na eksibit, at iba pang kasiyahan.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, patuloy na naghahatid ang Casino Plus ng ligtas at masayang digital entertainment habang nakikiisa sa mga pinakamalaking kaganapan at kultura ng mga Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa. Sa pagtatagpo ng saya, aliw, at pamayanang Davaoeño, inaasahang magiging mas makulay at hindi malilimutan ang karanasan sa Kadayawan Festival 2026.
RESPONSIBLE GAMING ADVISORY
In accordance with PAGCOR’s Responsible Gaming Code of Practice, Casino Plus wishes to remind all players of the following:
Gaming is for entertainment purposes only. It should not be considered a source of income or a means of financial relief. Players are encouraged to play responsibly and within their means.
Winning is never guaranteed. All gaming outcomes are determined by chance. Past results, including jackpot wins, do not influence or predict future outcomes.
This press release has also been published on VRITIMES